Huwebes, Nobyembre 9, 2017

SUPERMAN, ANG PETMALU KONG FRIEND





To be honest, I really don´t believed that best friend was existing. But I believed that TRUE friend exist. Because even we´re just been together for 7 months, I can say that Angie was the true among all the friends that I´ve had before. Cause we were just have the same gender that´s why we really relate to each other. She became my study buddy. Also she totally change my perception that the best learning was if you are alone. She helped me to engaged or to socialized with others. She was the only person who approached me, because no one tries to talk to me because they were afraid of me and thinked that I am a weirdo. Angie really insisted that I have to come with them and just enjoy studying. Don´t take it hardly just take it well. Of course I tried to come with them and after that I realized that she was right. That the learning was more effective if you study with someone, with your friends.
Masasabi ko na yung kakulitan niya ang nagpabago sakin. She helped me to boost my self confidence. She always supported me sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Siya yung cerrtified cheerer ko, yung taga irit, taga sigaw na ¨Kaya mo yan tiwala lang wag ka mahiya ikaw pa ba¨. Dahil sa mga linyahan nyang yan ay lumalakas ang loob ko at na le-lessen yung kaba ko. Yung tipo na hahanapin ka talaga niya pag alam niyang kailangan mo ng tulong. Yung di mo na kailangang hingin yung tulong niya dahil kusa niya tong binibogay. Siya yung tipo na kaibigan na kahit di ka magsalita ay alam na niya kung may problema ka. Yung alam niya kung pano ka papatawanin, yung di siya titigil sa pag jo-joke hanggat di naalis yung lungkot sa mukha mo. Kasi gusto niyang nakikita na masaya yung mga taong nasa paligid niya, ultimo kahit di namin ka close, pag nakita niyang malungkot ay sure na papatawanin niya.
Sanggang dikit kami sa lahat ng bagay yung di lang sa pag- aaral pati na rin sa pang- spot ng chikss. Di pwedeng ligawan pag di approve ng isa´t isa. Yun yung dahilan kung bakit nung high school days wala kaming record na na-basted kame. Pag may mga gala naman, alam na niyang di ako papayagan kaya susunduin niya nako sa bahay tas siya na yung bahala na mag paalam sa nanay ko. Nakakailang nga minsan kasi para akong dalaga na hinahatid niya pa pauwe. Pero kahit ganun atleast hapi- hapi parin kami. Di uso samin yung gala na puro sakay, mas bet naming maglakad ng maglakad. Pero kahit ganun kami ka-close ay wala kaming picture na kaming dalawa lang kasi camera shy pako nun.Pagdating naman sa pagkain ay talo ko siya kase di siya mahilig kumain, dahil mahilig naman siya sa damit. Napaka dami naming pangarap sa buhay, planado na nga agad namin yung reunion namin, na dapat mga engineer na kami pagtapos ng sampung taon. Ngunit lahat ng yun nagbago noong March 30, 2015.
Yung tipong sinundo pa niya ko sa bahay nung March 29 dahil may pupuntahang isang event. Tas kinaumagahan 7am to be exact ay nagtext pa siya sakin na syang di ako nakasama sa gala. Ang sakit isipin na yun na pala yung huling text niya sakin. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay binawian siya ng buhay. Nung nalaman ko yung balita ay nanlambot talaga ako. Pinigilan ko na pumatak yung luha ko dahil alam kong ayaw niya ng malungkot. Pero nung araw na ililibing na siya, yung ipapasok na siya sa nitso ay dun na pumatak yung luha ko. Dun nako umiyak ng sobra, dahil naalala ko lahat ng mga pinagagawa namin, yung mga plano namin sa buhay. Yung mga pangarap na sabay naming tutupdin. Pero sa isang iglap ay nawala lahat. Nabalot lahat ng lungkot yung araw ko, isang buwan nalang pasukan na ngunit wala parin akong plano sa buhay dahil wala yung cheerer ko. Pero nung natanggap ko na wala na siya ay unti-unti ko ng natanggap na wala man siya physically pero andun parin siya sa isang yugto ng buhay ko at hanggang ngayon. Kahit wala na siya feeling ko andyan parin sya palagi. Isa siya sa dahilan kung bakit gusto ko maka-graduate dahil yun yung pangako namin sa isawe c´t isa. Di ko man siya nakakausap, nakikita at nakakasama ngayon, alam koo na hindi niya ko iniwan sa ere kasi sya nga daw si SUPERMAN na sasalo sakin pag hinuhulog nako ng mga problema at baon ko ang kanyang masasaya at malungkot na ala-ala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento