Sabado, Nobyembre 25, 2017

STORY OF THE WEEK # 7





¨ RESEARCH IS LIF BUT THESIS IS LIFER ¨ hahahaha yan ang motto namin last night nung nag overnight kami kina Ma. Wala daw tulugan, pag natulog papatakan ng kandila hahaha. Pero syempre bago magstart nagluto muna kami ng mga foods na anti- antok. Nood ng horror movie para may pampagulat factor at magising ang diwa magdamag.
Kain lang kami ng kain para di antukin tas chikahan para chill – chill lang. Pero kahit may mga technique kaming ganun may tinablan parin ng antok. Ang malupit nun yung tao pa na nagsabi na walang tulugan ay sila pa yung naunang nakatulog. Partida it just 12 am pa lang yun hahaha. Of course ok lang yun kase shifting naman kami. 1 am high pa energy ko nun thanks sa insomia ko. Pero kinulang parin yung power ng insomia ko. Tinamaan nakmo ng antok nung bandang alas dos, whoooo buti nalang gising na yung dalawa kaya may nagawa parin.
3 am nag- decide kami na matulog na at mamaya nalang ipagpapatuloy ulit. 6 am nagising ako hindi dahil sa alarm clock kundi nasipa ako ni G. Likot niya matulog e ! Syempre kaming mga boys ang nag- prepare ng breakfast. 3 hours of sleep ? Ok lang enjoy naman kami, minsan lang magsama- sama sa isang bahay kaya I can considered that it was one of my best experience in my college life.










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento