To be honest, I
really don´t believed that best friend was existing. But I believed
that TRUE friend exist. Because even we´re just been together for 7
months, I can say that Angie was the true among all the friends that
I´ve had before. Cause we were just have the same gender that´s why
we really relate to each other. She became my study buddy. Also she
totally change my perception that the best learning was if you are
alone. She helped me to engaged or to socialized with others. She was
the only person who approached me, because no one tries to talk to me
because they were afraid of me and thinked that I am a weirdo. Angie
really insisted that I have to come with them and just enjoy
studying. Don´t take it hardly just take it well. Of course I tried
to come with them and after that I realized that she was right. That
the learning was more effective if you study with someone, with your
friends.
Masasabi ko na yung
kakulitan niya ang nagpabago sakin. She helped me to boost my self
confidence. She always supported me sa lahat ng bagay na ginagawa ko.
Siya yung cerrtified cheerer ko, yung taga irit, taga sigaw na ¨Kaya
mo yan tiwala lang wag ka mahiya ikaw pa ba¨. Dahil sa mga linyahan
nyang yan ay lumalakas ang loob ko at na le-lessen yung kaba ko. Yung
tipo na hahanapin ka talaga niya pag alam niyang kailangan mo ng
tulong. Yung di mo na kailangang hingin yung tulong niya dahil kusa
niya tong binibogay. Siya yung tipo na kaibigan na kahit di ka
magsalita ay alam na niya kung may problema ka. Yung alam niya kung
pano ka papatawanin, yung di siya titigil sa pag jo-joke hanggat di
naalis yung lungkot sa mukha mo. Kasi gusto niyang nakikita na masaya
yung mga taong nasa paligid niya, ultimo kahit di namin ka close, pag
nakita niyang malungkot ay sure na papatawanin niya.

Sanggang dikit kami
sa lahat ng bagay yung di lang sa pag- aaral pati na rin sa pang-
spot ng chikss. Di pwedeng ligawan pag di approve ng isa´t isa. Yun
yung dahilan kung bakit nung high school days wala kaming record na
na-basted kame. Pag may mga gala naman, alam na niyang di ako
papayagan kaya susunduin niya nako sa bahay tas siya na yung bahala
na mag paalam sa nanay ko. Nakakailang nga minsan kasi para akong
dalaga na hinahatid niya pa pauwe. Pero kahit ganun atleast hapi-
hapi parin kami. Di uso samin yung gala na puro sakay, mas bet naming
maglakad ng maglakad. Pero kahit ganun kami ka-close ay wala kaming
picture na kaming dalawa lang kasi camera shy pako nun.Pagdating
naman sa pagkain ay talo ko siya kase di siya mahilig kumain, dahil
mahilig naman siya sa damit. Napaka dami naming pangarap sa buhay,
planado na nga agad namin yung reunion namin, na dapat mga engineer
na kami pagtapos ng sampung taon. Ngunit lahat ng yun nagbago noong
March 30, 2015.
Yung tipong sinundo
pa niya ko sa bahay nung March 29 dahil may pupuntahang isang event.
Tas kinaumagahan 7am to be exact ay nagtext pa siya sakin na syang di
ako nakasama sa gala. Ang sakit isipin na yun na pala yung huling
text niya sakin. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay binawian
siya ng buhay. Nung nalaman ko yung balita ay nanlambot talaga ako.
Pinigilan ko na pumatak yung luha ko dahil alam kong ayaw niya ng
malungkot. Pero nung araw na ililibing na siya, yung ipapasok na siya
sa nitso ay dun na pumatak yung luha ko. Dun nako umiyak ng sobra,
dahil naalala ko lahat ng mga pinagagawa namin, yung mga plano namin
sa buhay. Yung mga pangarap na sabay naming tutupdin. Pero sa isang
iglap ay nawala lahat. Nabalot lahat ng lungkot yung araw ko, isang
buwan nalang pasukan na ngunit wala parin akong plano sa buhay dahil
wala yung cheerer ko. Pero nung natanggap ko na wala na siya ay
unti-unti ko ng natanggap na wala man siya physically pero andun
parin siya sa isang yugto ng buhay ko at hanggang ngayon. Kahit wala
na siya feeling ko andyan parin sya palagi. Isa siya sa dahilan kung
bakit gusto ko maka-graduate dahil yun yung pangako namin sa isawe
c´t isa. Di ko man siya nakakausap, nakikita at nakakasama ngayon,
alam koo na hindi niya ko iniwan sa ere kasi sya nga daw si SUPERMAN
na sasalo sakin pag hinuhulog nako ng mga problema at baon ko ang
kanyang masasaya at malungkot na ala-ala.